Manila North at South Cemetery sarado ng Marso 27-31

MANILA, Philippines — Nagpaabiso kahapon ang Manila City Government hinggil sa pansamantalang pagsasarado ng Manila North Cemetery (MNC) at Manila South Cemetery (MSC) mula kahapon, Marso 27, Miyerkules Santo, hanggang sa Marso 31, Linggo ng Pagkabuhay.

Sa abiso na ipinaskil sa kanilang social media accounts ng Manila Public Information Office (Manila PIO) na pinamumunuan ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, nabatid na ang MNC ay sarado na sa buong maghapon nitong Miyerkules Santo.

Samantala, nagsimula naman ang closure ng Manila South Cemetery, ganap na alas-12:00 ng tanghali ng nasabi ring araw.

Bagama’t sarado pa rin ang mga naturang sementeryo hanggang sa Linggo, tatanggap naman na umano sila ng interments o paglilibing sa naturang araw (Linggo).

Show comments