^

Metro

81-anyos ginulpi ng adik na apo, tepok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
81-anyos ginulpi ng adik na apo, tepok
Tinangka pang isalba ng mga doktor ng Sta. Ana Hospital ang biktimang si Jesus Rivera, ng 1858 Oro-B, Sta. Ana, Manila ngunit binawian din ng buhay dahil sa matinding sugat sa ulo at bugbog na inabot mula sa kanyang apong si Reymart Tanghal, 27-anyos, residente rin ng naturang lugar.

MANILA, Philippines — Isang 81-anyos na lolo ang patay nang bugbugin ng kanyang adik na apo sa harapan mismo ng kanilang tahanan sa Sta. Ana, Manila kamakalawa ng gabi.

Tinangka pang isalba ng mga doktor ng Sta. Ana Hospital ang biktimang si Jesus Rivera, ng 1858 Oro-B, Sta. Ana, Manila ngunit binawian din ng buhay dahil sa matinding sugat sa ulo at bugbog na inabot mula sa kanyang apong si Reymart Tanghal, 27-anyos, residente rin ng naturang lugar.

Batay sa ulat ni PMaster Sgt. Arvy Macarasig ng Manila Police District (MPD) - Homicide Section, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa bahay ng biktima.

Nauna rito, nakita umano ng mga testigo na lumabas ng bahay ang biktima kasama ang kanyang misis at sumisigaw at nagmumura. Maya-maya ay sumunod umano ang suspek at kaagad na pinagsusuntok ang lolo dahilan upang bumagsak ito sa sementadong kalsada.

Tinangka pa ng biktima na bumangon pero itinulak pa umano siya ng apong suspek sanhi upang humampas ang ulo nito sa pader at pumutok. Kahit duguan na ang matanda, patuloy pa rin umanong ginugulpi ng kanyang apo.

Naawat lamang ang pagbubugbog ng apo sa lolo nang dumating ang ina ng una at inawat.

Kaagad isinugod ang lolo sa pagamutan ngunit nasawi rin habang tumakas ang suspek na tinutugis na ng mga awtoridad.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with