Number coding suspendido rin ng Miyerkules Santo – MMDA

MANILA, Philippines — Isinama na rin ang Miyerkules Santo, Marso 27, sa mga araw na suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority nitong Martes.

Batay sa updated post ng MMDA, ngayong araw ay libre na sa paglalakbay sa Metro Manila ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 5 at 6.

Simula Marso 27 hanggang Marso 29 suspendido ang naturang scheme at diretso pa rin na mae-enjoy ito ng mga motorista dahil wala namang number coding scheme tuwing Sabado at Linggo.

Show comments