Vendor tinodas ng tandem

Dead on arrival sa Maclang Hospital ang biktimang si Jose Boy Diosmaparan Doremon, 46 ng Barangay Payatas B, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang buko vendor nang pagbabarilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Quezon City.

Dead on arrival sa Maclang Hospital ang biktimang si Jose Boy Diosmaparan Doremon, 46 ng Barangay Payatas B, Quezon City.

Inaalam naman ng Quezon City Police District Criminal Investigation Unit (QCPD CIDU) ang pagkaka­kilanlan sa mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente dakong alas- 6:50 ng gabi sa  Phase 1 corner  ng Clemente Street, Lupang Pangako, Barangay Payatas B, Quezon City.

Sa salaysay ng saksi, nagtitinda ng buko sa harap ng tindahan ang biktima nang dumating ang riding-in-tandem.

Isa sa mga ito ang bumaba ng motorsiklo at apat na beses na pinaputukan nang malapitan ang biktima.

Nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang pulisya upang matukoy ang mga suspek at motibo sa krimen.

Show comments