3 sugatan sa pananaksak sa Malabon

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang malubhang nasugatan kabilang ang dalawang construction worker makaraang pagsasaksakin ng kanilang kapitbahay na umano’y ininsulto ng mga ito habang sugatan din ang isang babae dahil sa pag-awat sa Malabon City nitong Lunes ng gabi.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang mga biktima na sina Jessie Belarma, 31, Art John Arevalo, 30 at si Mahalia Pojas, 25, na nagtamo ng sugat sa kaliwang pulso.

Naaresto naman ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 sa follow-up operation ang suspect na si Melvin Pojas, 34, ­helper at nakatira rin sa nasabing compound.

Sa ulat habang nag-iinuman ang mga biktima sa kanilang compound nang dumating ang suspect mula sa kanyang trabaho dakong alas-11:40 ng gabi.

Pinagsabihan umano ng suspect sina Belarma at Arevalo ng mga nakakainsultong salita bunsod upang magkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo hanggang sa mauwi sa suntukan.

Nagawa namang maawat ng kanilang mga kamag-anak ang mga ito pero umakyat sa kanilang bahay ang suspect saka kumuha ng patalim at inunda­yan ng saksak ang mga biktima.

Sa followup operations natunton ng mga pulis at nasakote ang suspect na ngayo’y nahaharap sa kasong kriminal.

Show comments