^

Metro

Mas maraming pamilya sa Sucat, Muntinlupa maaapektuhan sa Lakeshore road project­

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang mas ma­raming pamilya na nakatira sa baybayin ng lawa ng Laguna sa Sucat, Muntinlupa ang maaapektuhan sa itatayong Laguna Lakeshore Road Network Project (LLRN) dahil sa pagbabago sa inisyal na plano.

Pinasabihan na ng mga opisyal ng Barangay Sucat ang mga pamilya sa Purok 2 kung saan inaasahan na daraan ang proyekto sa ikakasang ‘mapping and tagging’ mula Hunyo 5 hanggang 30.

Nabatid na kinailangan na maglagay ng “slip road” sa Purok 2 para mas mapatatag ang istruktura, kung saan mas maraming bahay ang daraanan nito kumpara sa iniyal na plano.

Ang LLRN ay ang 37.4 kilometrong ‘road network at viaduct’ sa southern Metro Manila na magkokonekta sa katimugang Laguna sa Metro Manila sa pamamagitan ng wester coastline ng Laguna Lake.

Inaasahan na magbibigay ito ng mas maa­yos na sistema ng alternatibong transportasyon sa Metro Manila, Rizal at Laguna.

Sa liham ni DPWH Project Manager Zenaida Mauhay, kabilang sa magiging sakop ng DED [Detailed Engineering Design] ng LLRN Project Phase-I ay ang pag-update sa Resettlement Action Plan (RAP), General Equality and Social Inclusion (GESI), at Parcellary Survey.

vuukle comment

LAKESHORE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with