^

Metro

Nanagmolestiya ng dalagita sa loob ng dyip, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang lalaki nang umano’y molestiyahin ang isang dalagita na nakatabi lamang nito sa isang pampasaherong jeepney sa Quezon City, nabatid kahapon.

Sa ulat na natanggap ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Nicolas Torre III mula kay Novaliches Police Station (PS 4) chief PLTCOL Jerry Castillo, nakilala ang naa­restong suspek na si Mario De Jesus, 26, at residente ng Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Si De Jesus ay inaresto dakong alas-9:00 ng umaga sa loob ng isang Public Utility Jeepney (PUJ), sa Quirino Hi-way, Brgy, Nova Proper, Novaliches, Quezon City.

Nauna rito, sumakay umano ang ‘di pinangalanang biktima, kasama ang kanyang nobyo sa isang Passenger Utility Jeepney (PUJ), kung saan ay nakatabi niya ang suspek.

Laking gulat na lang umano ng biktima nang maram­damang ikinakaskas na ng suspek ang siko nito sa kanyang dibdib, kaya’t lumipat siya ng upuan at isinumbong sa kanyang nobyo ang pangyayari.

Dahil dito, nagalit ang nobyo ng biktima at tinitigan nito ng masama ang suspek. Pero imbes na mangilag, galit pa umanong sinuntok ng suspek ang nobyo ng dalagita.

Dahil dito, kaagad silang humingi ng tulong sa mga tauhan ng PS 4 na nagkataon namang nagsasagawa ng anti-criminality patrol sa lugar, na nagresulta sa agarang pagkaaresto ng suspek.

Ang suspek ay nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 11313 o The Safe Space Act na may kaugnayan sa RA 7610 o The Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act and Physical Injuries sa piskalya.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with