^

Metro

Bagong silang na sanggol, isiniksik sa imburnal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bagong silang na sanggol, isiniksik sa imburnal
Image shows a feet of a newborn baby.
Image by Rainer Maiores from Pixabay

MANILA, Philippines — Isang bagong silang na sanggol ang itinapon at isiniksik ng isang hindi pa nakikilalang babae sa isang imburnal sa Sampaloc, Maynila ng madaling araw.

Huli naman sa CCTV ng Barangay 478 sa Sampaloc, ang ginawang pagtatapon sa sanggol dakong alas-5 ng madaling araw.

Nabatid na isang babae na nakasuot ng puting pantalon at itim na kamiseta ang nakitang naglalakad sa kanto ng Maria Christina St., at España Boulevard.

Nakita rin sa kuha ang pag-upo pa ng babae sa bangketa sa tapat mismo ng isang imburnal na kaniya munang sinilip.  Maya-maya, isiniksik na niya ang isang eco bag sa butas ng imburnal saka umalis.

Dakong alas-6 ng umaga nang isang streetsweeper ang nakapansin sa eco bag na nakabara sa drainage na kaniyang tinanggal. Dito tumambad ang patay na sanggol na may nakakabit pang umbilical cord tanda na bagong silang ito.

Ayon sa mga opis­yal ng barangay, hindi nila kakilala ang babae. Patuloy ang backtracking ng mga awtoridad para malaman ang pagkakakilanlan nito.
Dinala sa isang pune­rarya ang bangkay ng sanggol.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with