^

Metro

Delivery rider, 1 pang HVT tiklo sa droga sa Caloocan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto ng anti-drug operatives ang dalawang itinuturing na HVT (High Value Target) kabilang ang isang Lalamove rider sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod ng Caloocan, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Col. Ruben Lacuesta, hepe ng Caloocan City Police ang mga nasakoteng suspect na sina Edgardo Vargas, 42, electrician at Lenard Buenaventura, 20 , Lalamove Rider.

Bandang alas-2 ng madaling araw ng masakote ang mga suspect sa West Service Road, Brgy. 160, Caloocan City.

Nakumpiska sa mga ito ang isang transparent plastic bag na naglaman ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.00; dalawang kulay berdeng Chinese tea bag na  may label na Quin Shan na may lamang tig- isang transparent plastic bag na may lamang tig 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng  P6,800.00 bawat isa.

Bukod dito, nakuha rin ang isang ziplock plastic bag na may pitong piraso ng transparent plastic bag na naglalaman naman ng nasa 700 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P4,760,000.00.

Ang nakumpiskang droga mula sa mga suspect ay may kabuuang 3,800 gramo na nagkakahalaga ng P25,840,000.00.

Samantalang isa ring cal. 32 pistol na kargado ng isang bala at apat pang hiwalay na piraso ng bala ang nakumpiska mula sa mga suspect.

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang mga suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Anti-Dangerous Drugs Act.

vuukle comment

DEAD

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with