^

Metro

2 ‘tirador’ ng kawad ng kuryente, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 �tirador� ng kawad ng kuryente, timbog
Kinilala ang mga nadakip na sina Octhu-Art Culaban, alyas Alvin, 34,  at Jeffrey Ocampo, 29.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang dalawang lalaking tirador ng mga kawad ng kuryente nang maaktuhan sa pagnanakaw ng mga tauhan ng Manila City Engineering Office na nag-iimbestiga sa paulit-ulit na pagkawala ng suplay ng kuryente sa Taft Avenue sa Maynila, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Octhu-Art Culaban, alyas Alvin, 34,  at Jeffrey Ocampo, 29.

Sa ulat ng MPD-Special Mayors Reaction Team (SMaRT), dakong alas-9:40 ng gabi nang mahuli sa akto ng grupo ng Manila City Engineering Office, ang mga suspek na pinuputol ang mga kawad ng kuryente sa center island sa may Taft Avenue sa pagitan ng Pedro Gil at Malvar Streets.

Agad na humingi ng responde sina Sta. Ines sa MPD-SMaRT at tuluyang pinosasan ang dalawang kawatan.

Narekober sa posesyon ng mga suspek ang 11 me­tro at isang walong metro na electrical wire na may kabuuang halagang P1,330 at isang pliers na gamit nila sa pagnanakaw.

Ayon sa Manila City Engineering Office, malaking problema nila ang ginagawang pagnanakaw sa mga kable ng kuryente sa buong siyudad ng Maynila kaya palagi na lang walang ilaw ang ilang mga kalsada na nagdudulot ng panganib para sa mga motorista.

vuukle comment

MANILA CITY ENGINEERING OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with