^

Metro

MMDA magpapatupad ng stop-and-go scheme sa EDSA Shaw Northbound

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
MMDA magpapatupad ng stop-and-go scheme sa EDSA Shaw Northbound
Itinalaga ang nasa 685 ng MMDA personnel para umalalay at manatiling maayos pa rin ang daloy ng trapiko.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Asahan na ang posibleng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa bahagi ng EDSA Shaw Boulevard northbound sa loob ng apat na araw para sa gaganaping 52nd Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) Council Conference simula ngayong araw, Pebrero 7.

Ayon sa advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magpapatupad sila ng stop-and-go traffic scheme sa kahabaan ng EDSA Shaw Boulevard Northbound simula Peb. 7 hanggang Peb. 10.

Itinalaga ang nasa 685 ng MMDA personnel para umalalay at manatiling maayos pa rin ang daloy ng trapiko.

Nilinaw naman ng MMDA na hindi pa masasabi kung anong mga oras na ipapatupad ang stop-and-go sa nasabing erya, dahil depende umano ito sa pagdating ng mga delegado.

Gaganapin ang council conference sa Edsa Shangri-la Hotel, sa Ortigas Center, sa Mandaluyong City.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with