^

Metro

Barangay officials sa Maynila, hiniritang magpa-drug test

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Barangay officials sa Maynila, hiniritang magpa-drug test
Sa Balitaan sa Tinapa­yan sa Maynila, ipinaliwanag ni MPD Director BGen. Andre Dizon na ito ay upang maiwasan ang pagdududa na sangkot ang mga barangay officials sa illegal na droga.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Hinikayat ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang lahat ng Barangay officials sa siyudad na sumailalim sa drug test bago sumapit ang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE) sa darating na Oktubre.

Sa Balitaan sa Tinapa­yan sa Maynila, ipinaliwanag ni MPD Director BGen. Andre Dizon na ito ay upang maiwasan ang pagdududa na sangkot ang mga barangay officials sa illegal na droga.

“Tsina-challenge po natin sila na magpa-drug test upang mapatunayan na minsan hindi sila gumamit ng illegal drugs,” ayon kay Dizon.

Hindi naman umano ito mandatoryo at boluntaryo lamang. Kung tatanggi ang isang kasalukuyang opis­yal, bahala na umano ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Manila Barangay Bureau sa naturang usapin.

Sinabi ng heneral na malaki ang maitutulong nito sa kampanya laban sa ilegal na droga ng MPD dahil kapag hindi sila sangkot ay naroon ang tiwala na hindi sila pagdadamutan ng mga impormasyon.

Ang pahayag ni Dizon ay kaugnay na rin sa sinabi ni Comelec spokesperson Atty. Rex Laudiangco na tali ang kanilang kamay sa ganitong mga usapin.

Sinabi ni Laudiangco na 2010 pa nang hilingin nila sa mga barangay officials na magsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) na ilakip dito ang kanilang drug test result sa mga dokumento subalit iprinotesta ito sa Supreme Court (SC) at sila ay natalo.

vuukle comment

DRUG TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with