Nasunugan sa 2 brgy. sa Quezon City, inayudahan ni Mayor Joy

MANILA, Philippines — Pinagkalooban ng financial assistance ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang 74 na pamilyang nasunugan sa Brgy.  Roxas at Batasan Hills sa lungsod.

Kasama ni Mayor Belmonte ang mga opisyal ng  Social Services Development Department at Konseho ng Barangay Roxas  sa pamamahagi ng ayuda.

Sinasabing ang bawat benepisyar­yong nasunugan na may-ari ng bahay ay  nakatanggap ng P10,000, habang ang nangu­ngupahan o renter  ay tumanggap ng  P5,000.

Ayon  kay Belmonte, bukod sa pinansyal na ayuda, binigyan din ng food pack at material assistance  ang mga biktima ng sunog mula sa barangay at lokal na pamahalaan.

 

Show comments