^

Metro

Suspek sa likod ng ‘bomb threat’, planong sampahan ng mas mabigat na kaso

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa likod ng âbomb threatâ, planong sampahan ng mas mabigat na kaso
Officers from the Quezon City Police District (QCPD) arrest 22-year-old Elfrank Emil Anthony Bacle Kadusale, the suspect in the bomb threat at Ponciano Bernardo High School in Quezon City on Friday.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) na sampahan ng mas mabigat na kaso ang suspek na nasa likod ng bantang pagpapasabog sa isang paaralan sa Quezon City, kamakailan.

Ayon kay QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III, plano nilang sampahan ng kasong paglabag sa anti-terror law ang suspek na si Elfrank Emil Anthony Kadusale, 22, ng Barangay San Martin De Pores.

Si Kadusale, Grade 8 Alternative Learning Student (ALS), ang nasa likod nang umano’y bantang pagpapasabog sa Ponciano Bernardo High School sa Quezon City noong Enero 26.

“Pinag-aaralan ng ating mga abogado na talagang kasuhan natin ito under the anti-terrorism law,” ani Torre.

Ayon naman kay LtCol. Joseph Elle Almaquer, station commander ng Cubao Police Station 7, anumang uri ng bomb threat o bomb joke ay siniseryoso nila at tiniyak na pananagutin ang mga taong nasa likod ng mga ito.

“Any kind of bomb threat or bomb joke tini-treat natin ‘yan as serious,” ani Almaquer.

Matatandaang una nang nagsuspinde ng klase sa naturang paaralan, na magdaraos pa naman sana ng pagsusulit, dahil sa naturang bomb threat na ipinaskil sa Facebook Page ng naturang paaralan.

Matapos ang inspeksiyon, idineklara naman ng mga tauhan ng Explosive and Ordnance Division (EOD) at ng K9 unit ng QCPD na ligtas mula sa anumang pampasabog ang paaralan.

Malaunan, natukoy ng mga tauhan ng QCPD si Kadusale na nasa likod ng bomb threat at inaresto ito. Ayon sa suspek, napagtripan lamang niyang magpadala ng bomb threat.

Ang suspek ay nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa P.D. 1727 o Anti-Bomb Joke Law in relation to Section 6 ng R.A. 10175 o The Anti-Cyber Crime Law at Robbery Extortion, matapos na manghingi pa umano ng P100,000 upang hindi ituloy ang pagpapasabog.

“I warned the public to refrain from posting or making bomb jokes dahil ito ay my karampatang kaparusahan. Maging leksyon sana ito sa ating kababayan na iwasan ang ganitong bagay dahil wala naman itong maidudulot na maganda bagkus ay maging dahilan pa ito ng kaguluhan sa ating mamamayan,” ani Torre.

BOMB THREAT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with