Libreng sakay malabo na, diskuwento ipapalit
Dahil sa kakulangan ng pondo
MANILA, Philippines — Maaaring hindi na ituloy ng Land Transportation Franchising and regulatory Board (LTFRB) ang Libreng Sakay program sa EDSA Bus Carousel.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, sa halip na libreng sakay, pinag-aaralan ng ahensya na magbigay na lamang ng diskuwento sa pasahe.
Sa ganitong paraan aniya mas maraming pasahero ang makikinabang.
Ito umano ay dahil sa limitado lamang ang pondo ng pamahalaan.
Una nang naglaan ang Department of Budget and Management ng P1.28 bilyon para sa Libreng Sakay program.
- Latest