^

Metro

6 na sasakyan, inararo ng trailer truck; 2 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
6 na sasakyan, inararo ng trailer truck; 2 sugatan
Batay sa ulat ng Pasig City Traffic and Parking Management Office, Miyerkules ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Ortigas Avenue, kanto ng Lanuza St., sa Pasig City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasugatan nang mawalan ng preno ang isang trailer truck at araruhin ang anim na sasakyan sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Isa sa mga nasugatan ay nakilalang si Danny Soriano habang hindi agad nakuha ang pagkakakilanlan ng isa pa.

Samantala, arestado naman at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang truck driver na si Melchor Cabale.

Batay sa ulat ng Pasig City Traffic and Parking Management Office, Miyerkules ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Ortigas Avenue, kanto ng Lanuza St., sa Pasig City.

Binabagtas umano ng 10-wheeler truck ang kahabaan ng Ortigas Avenue, nang mapansin ng driver nito na hindi kumakagat ang preno ng sasakyan.

Upang hindi masagasaan ang mga nauunang motorsiklo ay kinabig ng driver ang truck papuntang Lanuza Avenue, ngunit nahagip pa rin nito ang dalawang motorsiklo at inararo ang apat na iba pang sports utility vehicle (SUV) na pawang nakahinto sa traffic light.

Wala namang naitalang nasawi sa aksidente ngunit nasira ang mga sasakyan ng mga biktima.

Nagpahayag naman na umano ng kahandaan ang may-ari ng truck na sagutin ang gastusin sa pagpapaayos ng mga nasirang sasakyan.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with