^

Metro

Paniningil ng Grab ng surge fee, ilegal

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Paniningil ng Grab ng surge fee, ilegal
Matatawag na ilegal umano ang ginawa ng Grab dahil wala pang permit na binigay ang LTFRB o sinumang authority na pumapayag na magkarga sila ng surge fee sa pasahe.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ilegal ang ginawang pagkarga ng Grab sa surge fee sa pasahe ng mga mananakay sa mga Transportation Network Vehicle Service (TNVS). Ito ang sinabi ni Elvira Medina, Founding Chairperson ng National Center for Commuter Safety and Protection kaugnay ng naging pagtaas ng bayarin ng mga pasahero ng mga TNVS dahil sa pagkarga sa kanilang surge fee.

Matatawag na ilegal umano ang ginawa ng Grab dahil wala pang permit na binigay ang LTFRB o sinumang authority na pumapayag na magkarga sila ng surge fee sa pasahe.

“Sa nangyayari ngayon diyan kahit hindi naman rush hour, naikarga na sa pasahero ang surge fee, ­ilegal ‘yan. Wala pa namang measure na nagsasabi na idagdag niyo yan. There should be an authority para gawin nila ‘yan. Wala pang signal, dapat may signal muna sa authority bago ipatupad ‘yan” dagdag pa ni Medina.

Kaugnay nito, nanawagan si Medina sa Land Transportation Frachi­sing and Regulatory Board (LTFRB) na agarang aksyunan ang usaping ito at pagpaliwanagin ang Grab kung bakit naikakarga ang surge fee sa pasahe ng mga commu­ters ng walang pahintulot ang ahensiya hinggil dito.

Anya marapat lamang na bigyan ng parusa ang sinumang nagbibigay ng malaking problemang pasanin ng mga mananakay sa kabila na wala pa namang kaukulag measure na naipalalabas ang LTFRB sa bagay na ito.

Una nang hiniling ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Grab na ­ipaliwanag sa publiko kung paano ikinakarga ang surge fee sa pasahe ng mga TNVS passengers nang wala pang signal na naibibigay ang LTFRB para dito.

GRAB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with