^

Metro

14-anyos na napagtripang bugbugin, namatay: 4 na teenager, kalabos!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
14-anyos na napagtripang bugbugin, namatay: 4 na teenager, kalabos!
Nakapiit na sa Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa mga suspek na si Joselito Valeriano, 18, na isang person with disability (PWD) o putol ang isang kamay.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hawak na ng mga awtoridad ang apat na teenager na nambugbog sa napagtripan nilang estudyante sa Novaliches, ­Quezon City, na na-comatose at malaunan ay binawian din ng buhay, nabatid kahapon.

Nakapiit na sa Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa mga suspek na si Joselito Valeriano, 18, na isang person with disability (PWD) o putol ang isang kamay.

Ang tatlo pa naman niyang kasamahan na pawang Children In Conflict with the Law (CICL) na nagkakaedad lamang ng 15, 16 at 17, ay nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sila ang itinuturo na nag-trip, nambugbog at nakapatay sa Grade 9 student na si Jay Chris Galindes, 14.

Batay sa ulat ng QCPD, naganap ang insidente sa Quirino Highway sa Novaliches, noong Nobyembre 18. Pauwi na sana umano ang biktima galing sa eskwela, kasama ang isang kaibigan, nang bigla na lang silang atakihin ng mga suspek.

Nakatakbo ang kaibigan ni Galindes ngunit nakorner ng mga suspek ang biktima at pinagtulungang bugbugin, sipain, suntukin at hatawin ng matigas na bagay sa ulo.  Ang naturang insidente ay nakuhanan pa ng CCTV.

Nakauwi pa umano si Galindes at ikinuwento sa kaniyang lola ang nangyari.

Isinugod ng mga kaanak ang biktima sa ospital ngunit na-comatose siya at binawian ng buhay noong Nobyembre 25.

Ayon naman kay QCPD PBGEN Nicolas Torre III, ang mga suspek ay mga dayo lamang sa barangay at napagtripan lang talaga nila ang biktima.

“They are not known to each other. Walang rason para sila ay mag-away at magbugbugan, pero may nangyari nga dahil sa kursunada lang,” sabi ni Torre, sa panayam sa telebisyon.

Sa imbestigasyon, lumitaw na dati nang labas-masok sa bilangguan si Valeriano dahil sa mga kahalintulad na kaso.

Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong murder sa piskalya.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with