^

Metro

COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, tumataas pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habang patuloy na duma­dagsa ang mga tao sa labas ng bahay ngayong Disyembre, patuloy din ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa 12.4 percent Metro Manila.

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, ang positivity rate sa NCR ay umabot  na sa 12.4% nitong Disyembre 3, mula sa dating 11.1% lamang noong Nob­yembre 26.

Samantala, tumaas din anila ang positivity rates sa ilang lugar sa Luzon.

Kabilang dito ang Bataan (9.7% tungo sa 11.2%); Caga­yan (18.2% tungo sa 21.4%);
Camarines Sur (27.7% tungo sa 38.8%); Ilocos Norte (7.8% tungo sa 11.1%); Ilocos Sur (32.9% tungo sa 36.2%); Laguna (13.1% tungo sa 19.2%); Nueva Ecija (32.9% tungo sa 39.1%); Pampanga (8.3% tungso sa 10.6%); Quezon (7.2% tungo sa 13.3%); Rizal (13.2% tungo sa 19.7%); at Zambales (6.1% to 10.7%).

Pero may mga lugar din naman na bumaba ang positivity rate, kabilang ang: Albay, Batangas, Benguet, Bulacan, Cavite, Isabela, Kalinga, La Union, Mt. Province, at Tarlac.

Ang positivity rate ay ang antas ng mga nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng sumailalim sa COVID-19 test sa isang lugar. — Angie dela Cruz

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with