^

Metro

Roosevelt Station ng LRT-1, binuksan na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Roosevelt Station ng LRT-1, binuksan na
Matatandaang una nang sinuspinde ng LRMC, na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, ang kanilang operasyon mula Disyembre 3, Sabado, hanggang Disyembre 4, Linggo, para bigyang-daan ang reintegrasyon ng Roosevelt station sa 19 na operational stations ng LRT-1 mula Baclaran sa Parañaque City hanggang sa Balintawak sa Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inianunsiyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang muling pagbubukas na ng Roosevelt station ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), kahapon.

Matatandaang una nang sinuspinde ng LRMC, na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, ang kanilang operasyon mula Disyembre 3, Sabado, hanggang Disyembre 4, Linggo, para bigyang-daan ang reintegrasyon ng Roosevelt station sa 19 na operational stations ng LRT-1 mula Baclaran sa Parañaque City hanggang sa Balintawak sa Quezon City.

Ang naturang istasyon ay isinara noong Setyembre 5, 2020 para bigyang-daan ang konstruksiyon ng Common Station na magkokonekta sa LRT-1, Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Line 7 (MRT-7).

Sa pahayag ng LRMC, nabatid na naging matagumpay ang  isinagawa nilang operational exercises sa linya nitong weekend.

“We are happy to announce that our team has completed all the necessary works to ensure that LRT-1 is safe to be operated with the reintegration of Roosevelt Station. We at LRMC consider this a great milestone because we know how important this station is for many commuters especially those residing in the north,” ayon pa kay LRMC Chief Operating Officer Rolando Paulino III.

“The whole exercise of reintegrating Roosevelt was likewise a great display of teamwork and cooperation among our LRT-1 employees and external partners,” dagdag pa nito.

Samantala, inianunsiyo rin ng LRMC na kasabay nang pagbubukas ng Roosevelt station, magpapatupad na rin sila ng bagong train service schedule para sa LRT-1.

Anang LRMC, simula Disyembre 5, Lunes, ang last trip mula sa Baclaran station ay aalis na ng alas-10:00 ng gabi habang ang huling biyahe mula sa Roosevelt station ay alas-10:15 ng gabi kung weekdays.

Ang huling biyahe naman mula sa Baclaran ay aalis ng alas-9:30 ng gabi habang ang last trip mula sa Roosevelt station ay bibiyahe ng alas-9:45 ng gabi kung weekends at holidays.

Wala namang pagbabago sa unang biyahe sa dalawang istasyon, na mananatili sa alas-4:30 ng madaling araw. 

vuukle comment

LRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with