^

Metro

‘Mukha’ ng 2 suspek sa ‘missing sabungero’, inilabas ng CIDG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
âMukhaâ ng 2 suspek sa âmissing sabungeroâ, inilabas ng CIDG
Ang inilabas na composite sketches ng dalawang suspect na sangkot sa pagkawala ng isang sabungero sa Laguna matapos na inilabas ng PNP-CIDG kahapon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) - Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang composite sketches ng dalawang suspek sa pagkawala ng sabungero sa Laguna.

Batay sa dokumento, ang isang suspek ay may mala­king pangangatawan, may taas na 5’7” hanggang 5’8” at nasa edad 38-40 habang ang isa pa ay may taas na 5’7” hanggang 5’8” malaki ang pangangatawan  at nasa edad 45-50.

Ayon kay CIDG Director BGen. Ronald Lee, nakakuha sila ng phone video kung saan dalawang hinihinalang pulis at isang nawawalang sabungero ang nakita sa labas ng sabungan sa Santa Cruz noong Abril 28, 2021.

Sinabi ni Lee na pinagbasehan nila ang ‘secret’ cellphone video kung saan makikita na bitbit ng dalawang lalaki ang isang lalaking nakaposas na  kabilang sa nawawalang sabungero sa  Sta. Cruz, Laguna noong  April 28, 2021.

Ang lalaking nakaposas ay positibong kinilala ng asawa at kapatid nito batay sa kanyang gupit, pangangatawan at personal belongings na si Michael Bautista.

“Kinakailangan pa rin na­ting ipa-enhance ‘yung video upang ma-establish nating mabuti ang pagkakakilanlan nung mga suspek na hinihinalang mga pulis,” giit ni Lee.

Sinabi pa ng CIDG na kasalukuyang inihahanda ang kaso laban sa mga suspek bago ihain sa Department of Justice (DOJ).

CIDG

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with