Presyo ng LPG, tumaas

A worker cleans up LPG gas tanks sold by a distributor in Kamuning, Quezon City on March 1, 2022.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel sa merkado, tumaas naman ang presyo ng liquefied pet­roleum gas (LPG) at auto-LPG  kahapon.

Sa ulat, tumaas ng P2.25 sa kada kilo ang presyo ng LPG ng Phoenix  habang P2.27 ang itinaas sa kada kilo ng LPG ng Solane.

Aabutin naman sa P1.26 kada litro  ang taas sa  auto-LPG sa Petron, habang P1.25 sa Phoenix.

Sinasabing ang taas ­presyo ng LPG at auto-LPG ay dulot ng naging pagtaas ng international contract price ng LPG  ngayong Disyembre

Show comments