^

Metro

Operating hours ng PNR, pinalawig ngayong kapaskuhan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Operating hours ng PNR, pinalawig ngayong kapaskuhan
Sa ilalim ng extended operating hours, ang unang tren ay aalis ng Tutuban ng alas-4:11 ng umaga at ang huling tren ay aalis ng Tutuban ng alas- 9:16 ng gabi.
DOTr / Released

MANILA, Philippines — Pinahaba ng Philippine National Railways (PNR) ang operasyon ng tren sa mga ruta sa Metro Manila dahil sa panahon ng kapaskuhan.

Sa ilalim ng extended operating hours, ang unang tren ay aalis ng Tutuban ng alas-4:11 ng umaga at ang huling tren ay aalis ng Tutuban ng alas- 9:16 ng gabi.

May dagdag ding operasyon ng tren sa Tutuban -San Pedro ng alas-8:16 ng gabi, San Pedro pa­puntang Tutuban ng alas-4:50 ng umaga at Sucat papuntang Tutuban ng alas-5:01 ng umaga.

Ayon sa PNR mayroon silang 44 hanggang 50 trips kada araw pero naitaas ito mula sa 55 hanggang 60 biyahe dahil sa extended operating hours.

Tuwing panahon ng Kapaskuhan ay tumataas ang bilang ng pasahero sa tren.

Noong 2019 ay may 17 percent ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero sa Tutuban station dahil partikular sa panahon ng Kapaskuhan

PNR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with