^

Metro

Human trafficking ng mga katutubo, hahadlangan ng PCG

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng mas mahigpit na polisiya ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga katutubong sumasakay ng barko patungo sa Maynila at ibang lugar para makatiyak na hindi sila nabibiktima ng sindikato ng human trafficking.

Ito ay suporta rin umano ng PCG sa kampanya ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo laban sa mga nagsasamantala sa mga katutubo na pinaluluwas ng Metro Manila upang mamalimos.

Matatandaan na nakarating sa DSWD ang modus ng sindikato na nagre-recruit ng mga katutubo mula sa Mindanao na may pangako na payayamanin sila tuwing Disyembre sa pamamagitan ng pamamalimos. Pinatitira ang mga katutubo sa mga lugar ng iskuwater at sinisingil ng bawat ulo sa kanilang pananatili.

Inilatag ni PCG District Southwestern Mindanao Commander, CG Commodore Marco Antonio Gines, ang mga inisiyatibo ng Coast Guard para malabanan ang human trafficking ng mga katutubo sa pagbisita ni Tulfo sa Zamboanga City nitong Nobyembre 29.

Kabilang dito ang mas mahigpit na inspeksyon sa mga pantalan at pagpalalawak ng kooperasyon sa lokal na pamahalaan para maingatan ang kapakanan ng mga katutubo. Isasailalim umano sa background check ang katutubong pasahero sa koordinasyon sa DSWD at mga lokal na pamahalaan.

“Kapag may reasonable ground hindi papasakayin,” ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo.

Panawagan naman ni Tulfo, tuluyang tapusin ang ilegal na aktibidad ng mga sindikato na umaabuso sa kapakanan ng mga mahihirap na katutubo.

Dagdag pa ng Kalihim, mahalaga na maresolba ang problemang ito ngayong papalapit ang kapaskuhan kung kailan mas talamak ang presensya ng mga katutubo sa lansangan na nagdadala sa kanila sa kapahamakan.

PCG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with