^

Metro

Coast Guards ng Southeast Asia nagsanib, karagatan babantayan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Coast Guards ng Southeast Asia nagsanib, karagatan babantayan
Ito ay nang lumahok ang Philippine Coast Guard sa ASEAN Coast Guard and Maritime Law Enforcement Agencies Meeting kasama ang mga coast guards ng Cambodia, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam sa Bali, Indonesia.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nagsanib-puwersa ang mga coast guards ng iba’t ibang bansa sa Southeast Asia upang protektahan ang seguridad at labanan ang mga iligal na aktibidad sa karagatan ng rehiyon.

Ito ay nang lumahok ang Philippine Coast Guard sa ASEAN Coast Guard and Maritime Law Enforcement Agencies Meeting kasama ang mga coast guards ng Cambodia, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam sa Bali, Indonesia.

Sinabi ni PCG Admiral Artemio Abu na nagkaisa ang mga lider ng mga coast guard sa kooperasyon, pagtitiwala sa isa’t isa, pagpapalakas ng koneksyon at kooperasyon laban sa mga banta sa seguridad at istabilidad.

Lalabanan umano nila ang nagaganap na smuggling sa karagatan, transportasyon ng iligal na droga, human trafficking at “illegal, unreported, and unregulated (IUU) fishing” na krusyal sa suplay ng pagkain sa rehiyon.

Nagtapos ang pagpupulong sa pagpirma ng mga lumahok sa ASEAN Coast Guard Declaration na nagpopormalisa sa pangako nila sa pagsusulong ng kapayapaan, kaligtasan at seguridad ng mga karagatan sa ASEAN.

ASEAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with