^

Metro

CAVITEX C5 link may dagdag singil sa toll rates

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
CAVITEX C5 link may dagdag singil sa toll rates
The Cavite C5 link flyover is a P1.6 billion 2.2 kilometer section of P11billion 7.7 kilometer long Cavitex C5 link expressway that provides motorists new route to avoid traffic choke in Paranaque, Las Pina's,Pasay and Taguig.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw (Nobyembre 27) ay magpapatupad ng dagdag singil sa toll rates ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX)-C5 Link.

Ito’y matapos maglabas na ang Toll Regulatory Board TRB) ng Notice to Start Collection sa Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), ang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) and joint venture partner, Philippine Reclamation Autho­rity (PRA) for CAVITEX C5 Link.

Ito ay ang segment 1: Taguig to Merville; Segment 3.2: Merville to E. Rodriguez.

Epektibo pagsapit ng alas12:01 ng Nob. 27, ipa­tutupad na ang provisional toll rates ng CAVITEX C5 Link na P35.00 para sa Class 1, P69.00 para sa Class 2, at P104.00 para sa Class 3 motorists.

Ang Segment 3.2 o ang CAVITEX C5 Link flyover extension ay binuksan sa mga motorista noong Agosto 14, 2022 na nagpalawig sa haba ng operational segment ng expressway ng 1.6 kilometro, na naging daan para sa mas maginhawang daan at mas mabilis na travel time bound  patungo sa C5 Road sa Taguig mula Merville, Parañaque, at vice versa.

Bukod sa pagpapakilala ng mga bagong scheme ng trapiko sa lugar upang pamahalaan ang daloy ng trapiko, nagbukas din ang pamunuan ng CAVITEX ng bagong Merville Exit Ramp noong Oktubre upang matugunan ang mga motoristang patungo sa direksyon ng Merville.

Ang buong CAVITEX C5 Link ay aabot sa kabuuang 7.7km at kumonekta sa CAVITEX sa 2023.

Makakatulong ito na bawasan ang oras ng paglalakbay ng tatlumpu hanggang apatnapu’t limang minuto para sa mga motoristang bumibiyahe mula CAVITEX hanggang Makati, Taguig, at Pasay (vice versa).

Ang proyektong ito ay tumutulong din sa pag-decongest ng mga pa­ngunahing daanan tulad ng EDSA, MIA Road, atbp.

CAVITEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with