^

Metro

Kinidnap na Chinese, nasagip

Doris Franche, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Kinidnap na Chinese, nasagip
Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., na-rescue ang biktima sa isang convenience store sa Barangay Alangilan, Batangas City kamakalawa.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasagip ng Philippine National Police -Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Batangas City ang isang babaeng Chinese na dinukot ng kanyang kababayan noong nakaraang buwan sa Angeles City.

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., na-rescue ang biktima sa isang convenience store sa Barangay Alangilan, Batangas City kamakalawa.

Ikinulong ang biktima sa loob ng 20 araw sa cage sa loob ng kuwarto ng isang residential house sa Nueva Villa Subd., Brgy. Alangilan, Batangas City.

Nitong Huwebes ay nagawang makatakas ng biktima at na-rescue ng mga tauhan ng Alangilan Police Community Precinct ng Batangas-PNP.

Nabatid na nagpasaklolo sa PNP-AKG ang boyfriend ng biktima nang hindi na niya ito makontak.

Huling nakita ang biktima noong gabi ng Set­yembre 16 sa Hammer Disco Light Club in Barangay Balibago, Angeles City kasama ang isang kaibigan.

Setyembre 18 nang makatanggap ng tawag ang boyfriend ng biktima at humihingi ng US$2 milyon o P116 milyon.

Ipinadala rin ng suspek sa boyfriend ng biktima ang video clip na hinahataw ito ng baseball bat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Wala namang naarestong suspect sa insidente.

vuukle comment

KIDNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with