^

Metro

‘Maximum tolerance’ pairalin sa batikos ng media

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Manila Police District (MPD) Director BGen Andre Dizon ang kaniyang mga opis­yal at tauhan na pairalin ang ‘maximum tolerance’ kung mababatikos man sila ng media kaugnay ng kanilang pagpatupad ng tungkulin.

Isinagawa ni Dizon ang panawagan na nagsabi pang huwag pairalin ang emosyon kung makakanti ng mga media matapos ang pagpupulong niya sa mga opisyal ng National Press Club of the Philippines (NPCP) sa Intramuros, Maynila.

Ipinatupad ang mga dayalogo alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Lt.Gen.Rodolfo Azurin Jr. na tiyakin ang kaligtasan ng mga media sa kanilang mga nasasakupan. Ito ay kasunod nang nangyaring pamamaril at pagpaslang sa braodcaster na si Percy Lapid sa Las Piñas City noong Lunes ng gabi.

Sinabi ni NPC President Lydia Bueno na bukas ang kanilang komunikasyon sa pulisya at sa mga miyembro sakaling may mga pagbabanta silang matatanggap sa pagganap sa kanilang trabaho.

Nangako ng ‘close coordination’ si Dizon sa NPC at maging sa Manila Police District Press Corps (MPDPC) lalo na kung may mga matatanggap na pagbabanta sa hanay ng media.

Naniniwala si Dizon na natural ang reaksyon kapag natutuligsa ngunit hindi dapat unahin ng mga pulis ang emosyon at sa halip ay sagutin na lamang ang isyu para magkaroon ng paglilinaw.

MEDIA

MPD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with