^

Metro

Chinese na lider ng ‘pyramid scam’, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na lider umano ng isang pyramid investment scam, sa isang operasyon sa Malate, Maynila.

Nakaditine ngayon sa BI-Warden Facility ang 44-taong gulang na si Fu Qihao, makaraang maaresto siya ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit.

Isang arrest warrant ang inilabas para sa kaniyang pag-aresto ng mga tauhan ng ‘public security bureau’ ng Shanghai, China makaraang makapambiktima ng kaniyang mga kababayan sa kaniyang pyramid scam.

Samantala, nadakip din ng BI ang Norwegian na si Karstein Kvernvik, alyas Krokaa Karstein Gunnar, sa kaniyang bahay sa Samee­rah Subd., Angeles City, Pampanga, nitong Setyembre 24.

Nabatid na isang ‘high profile fugitive’ si Kvernvik dahil sa patung-patong na kasong sekswal sa Norway.

Nahaharap siya sa isang warrant of arrest na inilabas ng Salten and Lotofen District Court sa Norway at pinaghahanap ng National Central Bureau ng Interpol.

Sangkot umano siya sa panggagahasa sa ilang dalagita na mas mababa pa sa 14-taong gulang sa Norway.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with