^

Metro

Caloocan police chief sinibak: Dalaga sa tangkang kidnap, kinasuhan pa

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Caloocan police chief sinibak: Dalaga sa tangkang kidnap, kinasuhan pa
Ang sinibak ay si Col. Ferdinand Del Rosario na papalitan ni Col. Ruben La­cuesta bilang OIC ng Caloocan City Police.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sibak ang  hepe ng Caloocan City Police matapos na kasuhan  ng libel  ang isang da­laga na unang  humi­ngi ng tulong matapos na  tangkang dukutin ng  isang lalaki na nagpakilalang pulis ka­makailan sa nasabing lungsod.

Ang sinibak ay si Col. Ferdinand Del Rosario na papalitan ni Col. Ruben La­cuesta bilang OIC ng Caloocan City Police.

Humingi naman ng  paumanhin si Lt. Ge­neral  Jose Chiquito Malayo acting PNP chief sa biktimang  si Samantha  Pargad sa naging aksiyon ng  Caloocan Police.

Batay sa record, unang humingi ng  tulong si Pargad sa  Caloocan Police matapos na sapilitang isakay ng isang lalaki na nagpakilalang pulis  sa kanyang dalang motorsiklo.

Subalit sa ginawa umanong imbestigasyon ng Caloocan police  ay magkakilala ang dalawa at imbes na tulungan si Pargad ay ito pa ang sinampahan ng kasong libel na nagdulot sa biktima ng demoralisasyon at takot.

Nangako naman si Malayo na aayusin ang  imbestigasyon ng kaso ni Pargad.

vuukle comment

FERDINAND DEL ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with