^

Metro

Apela ni Vhong Navarro sa rape case, ibinasura ng CA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Apela ni Vhong Navarro sa rape case, ibinasura ng CA
Mug shot photo of Vhong Navarro.
NBI

MANILA, Philippines — Tinanggihan ng Court of Appeals (CA) ang mosyon na inihain ng kampo ni Vhong Navarro upang pigilan ang Department of Justice (DOJ) sa pagsasampa ng kasong rape at acts of lasciviousness na inihain ng modelong si Deniece Cornejo.

Sa resolusyon nitong Setyembre 20 na isinulat ni Associate Justice Florencio M. Mamauag Jr. ng CA Special 14th Division, tinanggihan ang ‘motion for reconsideration’ at ‘plea for status quo ante order (SQAO) ng kampo ni Navarro dahil sa umano’y kakulangan sa merito.

Ang mosyon ay kaugnay ng desisyon noong Hulyo 21 ng CA na inaatasan ang City Pro­secutor ng Taguig City na magsampa ng kaso makaraang baligtarin nito ang mga naunang resolusyon na inilabas ng DOJ noong Abril 30, 2018 at Hulyo 14, 2020 na pumapabor kay Navarro.

Ayon sa CA, ang mga isyu na binabanggit ng kampo ni Navarro tulad ng kredibilidad, pagiging tototoo ng testimonya ng bawat kampo at tibay ng mga ebidensya ay kailangang madetermina sa pamamagitan ng isang ‘full-blown trial’.

Sa pagtanggi rin sa mosyon para sa SQAO ni Navarro, sinabi ng CA na ang kaniyang kaso ay hindi bumabagsak sa anumang tukoy na eksempsyon para mapagbigyan ito.

Kasalukuyang nakaditine pa rin si Navarro sa National Bureau of Investigation (NBI) makaraang sumuko dito ang aktor matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang Taguig Regional Trial Court.

Kinasuhan siya ng rape ng mga prosecutor nang lasingin umano si Cornejo noong Enero 2014.  Itinanggi ito ng kampo ni Navarro at iginiit ng kaniyang abogado na ang aktor ang biktima nang bugbugin siya ng isang grupo ng lalaki sa pangunguna ng negosyanteng si Cedric Lee noong Enero 22, 2014.—  Ludy Bermudo

DOJ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with