^

Metro

P2.5 milyong shabu nasabat sa drug ops

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P2.5 milyong shabu nasabat sa drug ops
Kinilala ang mga naaresto na sina Joel Gan Jr., alyas Nok, binata, nakatira sa Honorato Romero St., Tanza, Cavite; at si Micaella Malto, 26, waitress, at nakatira naman sa Zafiro Diamante, San Andres Bukid, Maynila.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang tinatayang P2.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakuha sa dalawang drug suspek sa ikinasang buy-bust ­operation sa Malate, Maynila nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Joel Gan Jr., alyas Nok, binata, nakatira sa Honorato Romero St., Tanza, Cavite; at si Micaella Malto, 26, waitress, at nakatira naman sa Zafiro Diamante, San Andres Bukid, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District, nagkasa ng buy-bust operation ang mga miyembro ng Drug Enforcement Team ng Malate Police Station 9 dakong alas-10:40 ng gabi sa may kanto ng San Andres Street at Osmeña Highway sa Malate.

Kumagat sa pain ng mga pulis ang dalawang suspek nang pagbilhan nila ng ilegal na droga ang kanilang poseur buyer. Hindi na sila nakapalag nang magpakita ang mga armadong pulis matapos ang bentahan.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong pirasong plastic sachet at dalawang knot-tied plastic na naglalaman ng tinatayang 373 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na Php 2,536,000.

Isang kalibre .38 na baril na may anim na bala rin ang nakumpiska kay Gan.

Nahaharap ngayon ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang dagdag na kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang ihahain kay Gan sa Manila City prosecutors office.

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with