^

Metro

Dagdag na bus at bus stops sa EDSA busway, balak ng DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Plano ng Department of Transportation (DOTr) na makapagdagdag pa ng mas maraming bus at makapagbukas ng mas marami pang bus stops para sa EDSA Busway.

Bunsod na rin anila ito nang nakatakda nang pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22, at pagbabalik na rin ng face-to-face classes sa bansa.

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, nagbukas na sila kamakailan ng dalawang busway stations sa Roxas Boulevard at Macapagal Avenue ngunit nagha­hanap pa sila ng iba pang lugar na maaaring paglagyan ng mga bus stops.

Iniulat din niya na sa ngayon ay mayroon nang halos 400 bus units ang bumibiyahe sa EDSA Busway.

Aniya pa, nakipagpulong na rin ang DOTr sa consortium na nag-o-operate ng EDSA Carousel at hiniling sa mga ito na mag-deploy pa ng karagdagang bus, lalo na sa pagsisimula na ng klase sa bansa.

Ang EDSA Busway, na magkatuwang na programa ng DOTr, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ay mayroong 17 operational stations sa ngayon, kung saan sila pinapayagang magsakay at magbaba ng mga pasahero.

Kasalukuyan itong nagkakaloob ng libreng sakay para sa mga commuters na bumibiyahe sa EDSA.

Ang naturang libreng sakay, na pinasimulan noong panahon ng administrasyong Duterte, ay pinalawig ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at inaasa­hang magpapatuloy hanggang sa Disyembre 31, 2022.

EDSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with