^

Metro

Lalaki timbog sa pekeng P500 bill

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lalaki timbog sa pekeng P500 bill
Kinilala ni Makati City Police Station chief, P/Colonel Harold Depositar ang suspek na si Thom Jerome Pinzon,  residente ng Valenzuela City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Timbog ang isang 31-anyos na lalaki nang mabuko na sa ikalawang pagtatangka na magbayad ng pekeng pera, sa pagbili ng pagkain sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Makati City Police Station chief, P/Colonel Harold Depositar ang suspek na si Thom Jerome Pinzon,  residente ng Valenzuela City.

Sa ulat, alas-7:20 ng gabi ng Agosto 13 nang arestuhin ang suspek sa Daily Knead Store na matatagpuan sa Power Plant Mall, Poblacion, Makati City nang bumili ng isang truffle cheese croissant na nagkakahalaga ng ?400.

Matapos umanong magbayad ng ?500 sa kahera na si Hervy Maurene Garcenila, napansin na kakaiba ang kilos nito kaya inireport sa security guard na si Bernardo Lopez at natuklasan din sa kalapit na Krispy Kreme store na ang perang ipinambayad sa Daily Knead Store na ?500 bill na may serial no. RM225807, ay ‘di lumusot sa kanila nang tangkain na ibayad.

Natukoy umano sa ultra violet light na peke ang pera.

Pinigil sa Poblacion Sub-Station ang suspek para sa ihahaing paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code (Illegal Possession and use of False Treasury or Bank Notes).

Nanawagan na rin ang Makati City Police sa publiko hinggil sa pagpapakalat ng mga pekeng pera sa lungsod.

TIMBOG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with