^

Metro

Daily positivity rate ng COVID-19 sa NCR, bahagyang tumaas

Angie dela Cruz, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Daily positivity rate ng COVID-19 sa NCR, bahagyang tumaas
Children are seen along Road-10 in Navotas City on Saturday (August 13, 2022).
STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Bahagyang tumaas ang daily positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na tatlong araw.

Gayunman, ayon sa OCTA Research Group na hindi naman tiyak kung ang positivity rate na ito ay umabot na sa peak sa rehiyon.

Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David, ang NCR ay nakapagtala ng daily positivity rate na 17.9 percent noong Huwebes August 11.

“With slight increases over the past 3 days, it is not yet clear if the positivity rate has already peaked in the NCR, but the trendline looks flat at the moment,” pahayag ni David.

Sa ulat ng OCTA ang one-week positivity rate ng NCR ay pumalo sa 17.4 percent noong August 6 ay naging 15.9 percent ng August 9.

Sinabi ni David na ang COVID-19 wave sa bansa ay maaaring mas mahaba at matagal na maaaring magpatuloy hanggang ‘ber’ months.

Ang Pilipinas ay nagtala ng 4,661 bagong kaso ng COVID-19, mataas nga­yong linggo mula sa da­ting 3,823,084.

COVID-19

OCTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with