^

Metro

Illegal recruitment agency sa Maynila, ikinandado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang opisina ng isang sinasabing ‘illegal recruitment agency’ sa Ermita, Maynila kamakailan.

Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na ikinandado ng mga tauhan ng Anti-Illegal Recruitment Branch (AIRB) ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang Kharem’s International nitong Hulyo 29 dahil sa ilegal na operasyon.

Unang nakatanggap ang DMW ng sumbong laban sa agency na naniningil ng ‘placement at advance fees’ sa mga aplikante.

Nag-aalok umano ito ng mga trabaho bilang ‘domestic workers, beautician, at on-call cleaners’ para sa United Arab Emirates at ibang bansa sa Middle East. Ngunit nadiskubre na wala namang job order para sa naturang mga trabaho.

Naisagawa ang operas­yon sa tulong ng mga opisyal ng Barangay 668 sa Ermita.

Pinayuhan naman ni Ople ang mga biktima na makipag-ugnayan sa Anti-Illegal Recruitment Branch nila para sa libreng pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng recruitment agency.

Kasabay nito, iniulat din ng DMW na anim na illegal recruiter mula sa Davao City na nakapambiktima ng 235 aplikante sa Metro Manila ang kanilang ipinaaresto sa magkakahiwalay na operasyon.

DMW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with