^

Metro

Ilang kalye sa Maynila, isasara simula ngayon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ilang kalye sa Maynila, isasara simula ngayon
Muling nagsagawa kahapon ng pagsasanay ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa harap ng National Museum bilang paghahanda sa ipapatupad na seguridad sa inagurasyon ni president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Hunyo 30.
KJ Rosales

Paghahanda sa inagurasyon ni Marcos

MANILA, Philippines — Simula sa araw na ito (Hunyo 26) ay isasara na sa motorista ang ilang kalye kaugnay sa nalalapit na inagurasyon ni president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Kaugnay nito, pangungunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad sa pagsasara ng mga kalsada at traffic re-routing sa palibot ng National Museum, sa Maynila, at iba pang mga lugar kaugnay sa gaganaping inagurasyon.

Si Marcos ay nakatakdang manumpa bilang ika-17 Pa­ngulo ng Pilipinas sa Hunyo 30.

Sisimulan ngayong araw, ang pagsasara simula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-11:00 ng gabi sa Hunyo 30, sa Padre Burgos Avenue; Finance Road; Ma. Orosa Street.; - mula TM Kalaw hanggang P. Burgos; General Luna Street – mula P. Burgos hanggang Muralla Street.

Sa Huwebes (Hunyo 30), simula alas- 4:00 ng madaling araw hanggang alas-11:00 ng gabi naman ay isasara ang Ayala Boulevard; Victoria Street – mula Taft Avenue hanggang Muralla Street.

Samantala, magpapatupad naman ng re-routing ng public utility at private vehicles.

Ang mga northbound vehicles na manggagaling sa Roxas Blvd. ay kumanan sa U.N. Avenue o Kalaw ­Avenue, bago kumaliwa sa Taft Avenue upang marating ang destinasyon.

Ang mga eastbound vehicles na nagmumula sa Roxas Blvd. ay dapat kumaliwa sa Kalaw Avenue o U.N. Avenue, pagkatapos ay kumanan sa Taft Ave. upang marating ang destinasyon.

Gayundin ang re-routing ng mga truck na nagmumula sa South Luzon Expressway (SLEX): dumaan sa Osmeña Highway, kumaliwa sa Quirino Ave. tapos kumanan sa Roxas Blvd., dumiretso sa Bonifacio Drive papunta sa destinasyon. Gayunpaman, ang Roxas Blvd (mula Buendia hanggang P. Burgos) ay isasara sa trapiko sa Hunyo 30 mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Isa pang alternatibong ruta para sa northbound trucks: mula SLEX, dumiretso sa Osmeña Highway pagkatapos ay kumanan sa Quirino Avenue, dumiretso sa Nagtahan St. at sa Lacson Avenue, pagkatapos ay kumaliwa sa Yuseco St., dumiretso sa Capulong St. lumiko pakanan sa R-10 Rd. upang maabot ang punto ng patutunguhan.

Lahat ng southbound trucks: mula Bonifacio Drive, dumiretso sa Roxas Blvd., kumaliwa sa Quirino Avenue, pagkatapos ay kumanan sa Osmeña Highway at dumiretso sa SLEX para makarating sa destinasyon.

Kaugnay pa rin nito ang ipapatupad na road closure sa Mendiola St. sa Hunyo 29, simula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas 11:00 ng gabi ng Hunyo 30.

Sa Hunyo 30, alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas-11:00 ng gabi naman isasara ang Jalandoni Street, PICC, Pasay City.

Sa Hunyo 30 din alas-1:00 ng hapon hanggang alas- 11:00 ng gabi sa Legarda Street – mula San Rafael hanggang Figueras Street.

 

RE-ROUTING NG PUBLIC UTILITY AT PRIBADONG SASAKYAN

Ang lahat ng sasakyang para sa Jalandoni St. ay maaaring dumaan sa Atang Dela Rama o Roxas Blvd.

Lahat ng sasakyang manggagaling sa Sampaloc area Earnshaw St. na balak dumaan sa Legarda St. ay dapat kumaliwa sa Manrique St. para makarating sa destinasyon.

Lahat ng sasakyan na nagmumula sa Sta. Mesa area sa pamamagitan ng Legarda St. na nagbabalak dumaan sa Mendiola St. ay dapat kumanan sa M.F. Jhocson St., umalis sa ­Lardizabal St. para makarating sa destinasyon.

Lahat ng sasakyang manggagaling sa P. Casal St. na balak dumaan sa Mendiola St. ay dapat kumaliwa sa Arlegui St. upang marating ang destinasyon.

Lahat ng sasakyan na nagmumula sa Quezon Blvd. at C.M. Ang Recto Ave. na nagbabalak dumaan sa Mendiola St. ay dapat kumaliwa sa N. Reyes St. o kanan sa S. H. Loyola upang marating ang destinasyon.

BONGBONG MARCOS

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with