^

Metro

EDSA Timog flyover, isasara ng 1 buwan - DPWH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
EDSA Timog flyover, isasara ng 1 buwan - DPWH
Construction workers repair cracks in the EDSA-Timog flyover in Quezon City on Friday night.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nakatakdang isara ng isang buwan ng Metropo­litan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang EDSA Timog Flyover-Southbound dahil sa ikakasang pagkumpuni nito na uumpisahan sa Hunyo 25.

Dahil dito, inabisuhan ni MMDA Chairman Romando Artes ang mga motorista na planuhin ang kaniyang biyahe at dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala sa inaasahang mabigat na trapiko.

Nasa 30 metro ang kukumpunihin ng DPWH, kabilang ang nasirang ‘bridge diaphragm’ at konstruksyon ng bagong ‘bridge deck slab’ ng flyover.

Ayon pa kay Artes, kailangan talagang isarado ang flyover dahil sa kakailanganin na walang anumang vibration movement sa pagkukumpuni nito. Gagawin din ng ‘manual’ o walang heavy equipment ang pagkukumpuni.

Mag-uumpisa ang full closure ng flyover dakong alas-6 ng umaga ng ­Hunyo 25.  Inilagay naman na alternatibong ruta para sa EDSA carousel buses at mga pribadong sasakyan ang service road at iba pang ruta.

Para epektibong madaanan ng mga motorista ang mga alternatibong daan, patuloy umano ang kanilang clearing operations sa mga Mabuhay lanes para maging ‘obstruction-free’’.  Tinatayang nasa 140,000 sasakyan ang dumaraan kada araw sa naturang flyover ang maaapektuhan ng pagsasara.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with