^

Metro

130K PUV drivers, tumanggap na ng fuel subsidy sa LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
130K PUV drivers, tumanggap na ng fuel subsidy sa LTFRB
File photo shows passenger jeepneys parked at a transport terminal in Tandang Sora, Quezon City during the implementation of the ‘no vax, no ride’ policy last month.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Nasa 130,000 driver ng mga pampublikong sasakyan ang naki­nabang sa tig-P6,500 na fuel subsidy mula sa pamahalaan.

Ang naturang ha­laga ay mahigit sa kabuuang P840 milyon na naipalabas dito ng gobyerno.

Ayon sa Land Trans­portation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), patuloy pa rin ang kanilang pamamahagi ng fuel subsidy para mabigyan ng ayuda ang lahat ng PUV drivers.

Nilinaw naman ng militant transport group na Piston na sa 40,000 miyembro nila sa Metro Manila ay may 10 percent pa lamang nito ang nabibigyan ng fuel subsidy.

Umaasa silang madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na pamamahagi ng subsidy ng pamahalaan.

Ang fuel subsidy ay ang naisip ng pamahalaan na ibigay na tulong o ayuda sa mga driver ng pampasaherong sasakyan para mabawasan ang epektong dulot sa kanila ng mataas na halaga ng petroleum products imbes na magtaas sa pasahe.

May kabuuang 264,578 beneficiaries ang nasa ilalim ng programang ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng LTFRB. Mayroon namang 27,777 deli­very service ang nagbenepisyu na rin sa fuel subsidy sa ilalim naman ng Department of Trade and Industry.

FUEL SUBSIDY

PUV

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with