^

Metro

People’s Council, binuo sa Quezon City LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binuo ng Quezon City government ang People’s Council na naglalayong palawakin ang pakikiisa ng mga mamamayan.

Kaugnay nito, pina­ngunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang panunumpa ng interim executive committee officers ng People’s Council ng QC.

Ang People’s Council of Quezon City (PCQC) ay magsisilbing ‘umbrella arm’ng 2,232 city-accredited Civil Society Organizations (CSO) na katulong ng lokal na pamahalaan para tiya­king ang lahat ng mga programa at polisiya ay mapapakinabangan ng mga taga- lungsod.

“Ang People’s Council ang magsisilbing mata, tenga, at boses ng mga mamamayan sa ating pamahalaang lungsod. Malaki ang maitutulong ng kanilang kasanayan sa pagbuo ng mga programang dapat at nararapat para sa mga residente,” pahayag ni Mayor Belmonte.

Una nang nilagdaan ni Mayor Belmonte  ang Implementing Rules and Regulations  (IRR) ng  City Ordinance SP-1942,S-2009 o ang Participation, Accountability, and Transparency (PAT) Ordinance  na magpapalakas sa ugnayan ng lokal na pamahalaan at mamamayan ng lungsod.

“Sa loob ng 13 taon, hindi naisakatuparan ang batas na ito na sana nagpatatag na ng pagtutulu­ngan ng pamahalaan at mamamayan. Ngayong mayroon nang PCQC na makakatuwang ng pamahalaang lungsod, makaaasa ang mga QCi­tizen na ang bawat piso at sentimong nanggaga­ling sa kanilang buwis ay mapupunta sa mga programang makabuluhan at makatutulong para maitaas ang antas ng pamumuhay ng bawat residente,” paliwanag pa ni Mayor Belmonte.

CSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with