^

Metro

Mga tauhang pinakakasuhan dahil sa misencounter, tutulungan ng PDEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga tauhang pinakakasuhan dahil sa misencounter, tutulungan ng PDEA
File photo shows inter-agency investigators gather evidence and inspect the lifeless body found inside a van following a bungled encounter between operatives of the PNP and PDEA at a fastfood chain along Commonwealth Avenue in Quezon City on Feb. 24, 2020.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na gagamitin nila ang lahat ng legal na re­medyo upang matulungan at madepensahan ang kanilang mga tauhan na pinasasampahan ng kasong kriminal ng National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice (DOJ) matapos na masangkot sa umano’y misencounter sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) noong nakaraang taon.

Sinabi ng PDEA Spokesperson Derrick Arnold Carreon na nani­nindigan ang ahensiya sa aksiyon ng kanilang Drug Enforcement Officers (DEO) noong Pebrero 24, 2021 nang ang dalawang hiwalay na anti-drug operations ng PDEA at QCPD ay magtapos sa misencounter sa harapan ng isang fast-food chain, na ikinasawi ng dalawang PDEA agents at dalawang pulis.

Aniya, nirerespeto ng PDEA ang otoridad at competence ng NPS sa pagsasagawa ng preliminary investigation ngunit sinabing, “the PDEA finds that much is to be desired upon learning of the Natio­nal Prosecution Service’s Resolution.”

“The agency remains steadfast that facts, indisputable circumstances, electronic evidence in the form of CCTV footages, jurisprudence and other pieces of evidence sufficiently show the culpability and accountability of the police commissioned and non-commissioned officers involved in the incident,’’ aniya pa.

Bilang pagkilala sa mga sakripisyo ng mga opisyal at personnel ng PDEA na labanan ang ilegal na droga sa bansa, tiniyak niya na lahat ng available na legal remedies ay gagamitin nila laban sa resolusyon ng NPS.

Nauna rito, pinakakasuhan na ng DOJ prosecution panel ang mga PDEA officers na sina Khee Maricar Rodas, Jeffrey Baguidudol at Jelou Santiniaman dahil sa pagkamatay ni Corporal Eric Garado ng Quezon City Police District (QCPD).

Bukod sa kanila, ­inirekomenda rin ang pag­hahain ng direct assault charges laban sa mga police officers na sina Maj. Sandie Caparroso, PLt. Honey Besas, PSMS. Melvin Merida at PCpl. Paul Christian Gandez dahil sa panggugulpi sa apat na backup PDEA agents.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with