Container van ng smuggled yosi, nasabat

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin ang pagpasok ng mga ‘smuggled’ na sigarilyo sa bansa makaraang masabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang isang container van na punumpuno ng kontrabando sa may Limay, Bataan kamakailan.

Katuwang ng BOC ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bataan Philippine National Police-Drug Enforcement Unit (PNP-DEU), at PNP Limay, sa ikinasang operasyon nitong Mayo 18 base sa natanggap na intelligence report.

Dito nasabat ang isang 20 foot container van na nang buksan ay naglalaman ng nasa 400 master cases ng ipinuslit na Gem cigarettes.

Pinasadahan naman ng mga K9 units ang kontrabando pero wala namang natuklasan na ilegal na droga.

Nasa kustodiya na ng BOC-Enforcement Security Service ang nasabat na kontrabando habang tinutukoy na ang mga personalidad na nasa likod nito na sasampahan ng kasong paglabag sa Section 1113 ng RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Show comments