^

Metro

Pinas walang naitalang COVID-19 surge - OCTA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas walang naitalang COVID-19 surge - OCTA
Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, na bagama’t nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng bilang ng CO­VID-19 cases, ito ay bumaba rin naman.
Russell Palma

1-linggo matapos ang eleksyon

MANILA, Philippines — Isang linggo matapos ang  isinagawang 2022 elections , inihayag ng OCTA Research Group na wala pang naitatalang panibagong COVID-19 surge sa bansa.

Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, na bagama’t nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng bilang ng CO­VID-19 cases, ito ay bumaba rin naman.

“Wala pa tayong nakikitang increase ng cases doon sa campaign rallies, sorties. February pa tayo nagkaroon ng campaigns, wala pa namang nagkakaroon ng pagtaas ng kaso na talagang sustained,” paliwanag niya.

“May nagsasabi na maghintay pa tayo up to two weeks. So far wala pa naman tayong nakikitang indication na may clustering of cases dahil doon sa recent elections natin noong May 9,” dagdag pa niya.

Una nang inianunsiyo ng Malacañang nitong ­we­e­kend na ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay mananatili sa Alert Level 1 hanggang sa katapusan ng buwang ito.

Pinaburan naman ito ni David dahil wala naman silang nakikitang anumang banta na muling magkaroon ng surge ng COVID-19 sa kabila nang kumpirmasyong nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron subvariant BA.2.12.1.

OCTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with