^

Metro

Bigtime rollback sa presyo ng diesel, asahan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bigtime rollback sa presyo ng diesel, asahan
Ito ay makaraang  ianunsyo ng ­Unioil Philippines na magbababa sila ng ­presyo ng diesel ng may P2.90  hanggang P3.00  kada litro samantalang magbaba sila ng presyo ng ga­solina ng may  P0.40 hanggang P0.60 kada litro.
STAR / KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng malaking pagbaba sa presyo ng diesel at bahagyang bawas sa presyo ng gasolina sa bansa sa susunod na linggo.

Ito ay makaraang  ianunsyo ng ­Unioil Philippines na magbababa sila ng ­presyo ng diesel ng may P2.90  hanggang P3.00  kada litro samantalang magbaba sila ng presyo ng ga­solina ng may  P0.40 hanggang P0.60 kada litro.

Noong nagdaang linggo ay nagtaas ang mga kompanya ng ga­solina ng may P4.20 kada litro samantalang sa halaga ng  diesel ay nagtaas ng P4.20 kada litro at P5.85 kada litro sa kerosene.

Dahil dito, nagkaroon ng adjustment ang presyo ng gasolina na may P22 kada litro,  diesel ay nasa  P34.50  kada litro at ang  kerosene ay P29.75 kada litro mula nang pumasok ang Enero ngayong taon.

Nagtaas ang halaga ng petroleum products noong nagdaang mga araw dulot ng pag -iral ng COVID-19 lockdowns  sa China na top oil exporter, gayundin ang mataas na demand sa mga produktong petrolyo.          

­UNIOIL PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with