^

Metro

Riot sa Quezon City Jail, pinabubusisi ni Mayor Joy

Pilipino Star Ngayon
Riot sa Quezon City Jail, pinabubusisi ni Mayor Joy
Some persons deprived of liberty (PDL) were injured after a riot occured at the Quezon City Jail Male Dormitory on Friday.
The STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni ­Quezon City  Mayor Joy Belmonte na imbestigahan ang naganap na riot sa pagitan ng magkalabang gang sa Quezon City Jail Male Dormitory na nagresulta ng pagkamatay ng isang bilanggo doon.

Partikular na pinakilos ni Mayor Belmonte  ang Quezon City Police District (QCPD) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)  para magsagawa ng malalimamg imbestigasyon sa insidente.

“Iniutos na natin ang malalimang imbestigas­yon sa nangyaring riot sa Quezon City Jail para malaman ang puno’t dulo nito.Kailangang maparusahan ang mga nagpabaya sa kanilang tungkulin kung mayroon man, upang hindi na maulit pa ang ganitong klaseng insidente sa ating mga pasilidad,” paliwanag ni Mayor Belmonte.

Binigyang diin ni ­Belmonte ang kahalagahan na mapag- aralan ng BJMP ang kanilang  security protocols  upang maiwasan ang kaha­lintulad na insidente sa mga darating na panahon.

Sa ulat ng pulisya,  nagkaroon ng riot  sa pagitan ng mga miyembro ng  ‘Batang City Jail’, ‘Commando’ at ‘Bahala na Gang’  ganap na alas- 3 ng hapon ng biyernes

May halos  10 preso ang nasugatan sa insidente ang dinala sa  East Avenue Medical Center at isa dito ay namatay.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang  ugat ng insidente.

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with