^

Metro

Mag-ama, nagulungan ng dump truck, anak patay

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mag-ama, nagulungan ng dump truck, anak patay
Patay ang 28 anyos na babaeng angkas ng kanyang ama sa motorsiklo nang magulungan ng isang 12-wheeler dump truck na sumagi sa kanila sa kanto ng EDSA at East Avenue sa Quezon City kamakalawa ng hatinggabi.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang 28 anyos na babaeng angkas ng kanyang ama sa motorsiklo nang magulungan ng isang 12-wheeler dump truck na sumagi sa kanila sa kanto ng EDSA at East Avenue sa Quezon City kamakalawa ng hatinggabi.

Ligtas naman ang  ama na nagmamaneho ng motorsiklo. Hiniling rin ng mga kamag-anak ng mag-amang biktima na huwag nang pangalanan ang mga ito.

Samantala, tinangka pa ng truck driver na nakilalang si Mercado Fernando na tumakas pero nahabol siya ng ilang rider na nasa lugar at nakakita sa aksidente.

Kuwento ng isang rider na humabol sa truck, naghihintay siya sa isang convenience store sa EDSA at nagulat na lang siya nang may kumalabog sa kanyang harapan at paglingon niya bumungad na ang mga nakabulagtang biktima.

Bilang isa ring rider, di umano siya nagdalawang-isip na habulin ang dump truck. Nang mapahinto, galit pa umano ang driver ng truck at sinabing ang motor pa raw ang mali.

Agad din naman dumating ang mga pulis na tinawag din ng kapwa rider at di na nakatakas pa ang driver ng truck.

Ang driver at pahinante ng truck ay hindi na nagbigay ng pahayag.

Ayon sa ulat ng QCPD traffic sector, pauwi na raw sana ang mag-ama matapos sunduin ang anak sa trabaho.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang haharapin ng truck driver.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with