May 10, idineklarang ‘non-working holiday’ sa Maynila

MANILA, Philippines — Idineklara ni Manila City Mayor Isko Moreno na ‘non-working holiday’ ang darating na Mayo 10 (Martes) kung saan suspendido ang lahat ng trabaho sa mga opisina at departamento ng lokal na pamahalaan.

Pinirmahan ni Moreno ang Executive Order No. 46, na nagdedeklara sa Mayo 10 bilang ‘non-working holiday’ bilang tugon sa kahilingan ng Commission on Elections (Comelec).

Nabatid na nagpadala ng sulat ang Comelec sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila at hiniling ito upang mapayagan ang lahat ng ‘stakeholders’ kabilang ang mga magmamando sa eleksyon at mga miyembro ng Manila Board of Canvassers  na maisagawa nila ang kanilang ‘post-election activities’.

“Finding the request of the Comelec Manila Election Unit to be justified and meritorious, and considering that the free and uninterrupted performance of functions of poll workers and board of canvassers is of paramount importance, the city government deems it necessary to suspend work in the city government of Manila on May 10, 2022,” ayon sa isinasaad ng executive order.

Sa kabila nito, magdu-duty pa rin ang mga tauhan ng city hall na sangkot sa ‘peace and order’, trapiko, ‘disaster and risk reduction management, at kalusugan at sanitas­yon.

Show comments