^

Metro

Halos P2 milyong marijuana, Nigerian arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang halos P2 milyong halaga ng high grade marijuana o kush sa isang controlled delivery operation na isinagawa laban sa isang Nigerian national sa Angeles City, nabatid kahapon.

Sa ulat ng PDEA kahapon, nabatid na ang P1,950,000 halaga ng kush ay nakumpiska mula sa naarestong dayuhan na si Madu Ogechi Uzoma, isang Nigerian at nanunuluyan sa Concubierta St., Sunset Valley Mansions, Brgy. Cutcut, Angeles City.

Ayon kay PDEA Region 3 Director Brian Babang, Huwebes ng hapon (Mayo 5), nang isagawa ang controlled delivery operation laban sa dayuhan sa naturang lugar, na nagresulta sa pagkakadakip nito at pagkakumpiska ng ilegal na droga.

Nabatid na ang naturang kush ay nagmula sa Greenwich, USA at dumating sa Port of Clark noong Abril 29, 2022.

Isinailalim ang subject shipment sa K9 sweeping at physical examination na nagbigay ng positibong indikasyon ng ipinagbabawal na gamot.

Kaagad namang inaresto ng mga anti-narcotic operatives sa pangunguna ng PDEA Regional Office III, BOC Port of Clark at ng lokal na pulisya, si Madu nang tanggapin ang humigit kumulang sa 1,500 gramo ng Kush.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

MARIJUANA

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with