^

Metro

Pagbusisi sa smuggling ng agriculture products, pinabibilisan ng DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabibilisan ng Department of Agriculture (DA) sa Department of Justice (DOJ)  ang pagbusisi sa umano’y pagpupuslit ng agricultural products upang maparusahan  agad ng batas ang nasa likod nito.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Fermin Adriano, ang smuggling ng mga agri products ay may malaking epekto sa mga magsasaka sa bansa bukod sa pagkawala ng kaban ng bayan.

Ang panawagan ay ginawa ng DA bilang reaksiyon sa imbestigasyon ng Kamara sa umano’y pagkakasangkot ng ilang high profile personalities sa illegal smugglig agricultural products.

“Kinakailangan talagang pag-ibayuhin ng DOJ ang pag-prosecute sa mga ito at sana bilisan nila. We are trying to lobby, to advocate to the DOJ to make the process much faster,” sabi ni Adriano.

Tulad na lamang umano ng produktong   bawang na naipupuslit papasok sa Pilipinas ay may malaking epekto ang local farmers dahil hindi sila kumikita dulot ng  umanoy ilegal na  pagpasok ng sobrang daming imported na bawang sa bansa.

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with