^

Metro

P170,000 nasabat sa 4 na ‘tulak’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P170,000 nasabat sa 4 na âtulakâ
Kinilala ang mga nadakip na sina Sunsodin Abuin Nulotan, alyas Kiram, 33; Alvin Sakatani Dalamban, 25; Rohanin Ungad Kali, 22; at Fatima Almira Delos Santos Abdulmari, 26, pawang mga residente ng Parañaque City.
Freeman Photo

MANILA, Philippines — Nasa P170,000 halaga ng hinihinalang shabu na nasabat ng mga tauhan ng Pa­rañaque City Police sa apat na hinihinalang ‘tulak’ ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation, kamakalawa ng hapon sa naturang siyudad.

Kinilala ang mga nadakip na sina Sunsodin Abuin Nulotan, alyas Kiram, 33; Alvin Sakatani Dalamban, 25; Rohanin Ungad Kali, 22; at Fatima Almira Delos Santos Abdulmari, 26, pawang mga residente ng Parañaque City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:20 ng hapon nang ikasa ng mga pulis ang buy-bust operation sa may Vietnam St., Ninoy Aquino Ave., Brgy. San Dionisio.

Isang operatiba ang nagpanggap na buyer at matagumpay na nakabili ng ilegal na droga sa mga suspek.

Nang magbigay ng hudyat ng buyer, dito na kinubkob ng mga pulis ang lugar at ipinatupad ang pag-aresto sa apat.  Nasabat sa kanila ang 16 na plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 25 gramo ng shabu at narekober ang P1,000 bill na marked money na gagamiting ebidensya sa korte.

Pansamantalang nakaditine ngayon sa Pa­rañaque City Police Station Custodial Facility ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Prosecutor’s Office.

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with